Hangad ng Puso Kaisa kay Maria
- Written by Fr. Mauricio T. Ulep, CMF
- Hits: 1262
Agosto 2018
Sa ating paggunita sa Pag-akyat ni Maria sa langit, ipinaaalala sa ating lahat na sa ating paglalakbay sa buhay , ang ating tunay na hangarin sa gitna ng iba’t ibang pagnanais ay makamtan ang buhay na walang hanggan.
Kasabay ng ating Mahal na Ina, hangarin ng ating puso na tayo’y mamuhay sa pakikipag-isa sa Panginoon sa Kanyang Kaharian na puno ng tunay na pag-ibig at kapayapaan. Sa ganitong hangarin, tayo’y magkakaroon nang masigasig na paglalakbay sa ating buhay na may buong pusong pagtanggap sa ating bokasyon at misyon.
Tayo din ay mapupuno ng lubos na pag-asa sa gitna ng ating mga pinagdadaanan sapagkat may pananalig tayo na ang ating paghangad sa paghahari ng Diyos ang magbibigay sa atin ng liwanag sa gitna ng nakamamatay na kadiliman.
Sa pamamagitan ng inspirasyon ng mga Claretianong Martir ng Barbastro, ang ating puso nawa ay kaisa ng puso ni Maria upang ang kanyang biyaya na natamo sa Kaharian ng Diyos ay atin ding matanggap at maibahagi sa lahat.
Scientia Maxime Cum Virtute
The New PR1ME Mathematics Program introduced to parents in a SEMINAR
- Written by Mrs. Carmelita A. Relente
- Hits: 2504
Page 48 of 53
Claret School of Quezon City | Mahinhin St., UP Village, Diliman, Quezon City | 921-7555 | 921-7554 | 921-6472 | 921-6471 | 921-6617 | 921-7316 | 921-7399 | Registrar's Local: 264, 237, 210, 221